Ako yung tipo ng tao na hindi talaga nakikipag-usap sa isang taong hindi ko talaga kilala. Kahit sa Facebook, hindi ako basta basta nag-aaccept ng mga friend request kahit na madami kaming mutual friends. Kaya nasasabihan ako ng masungit, kasi minsan hindi talaga ako basta basta nakikipag-usap sa mga tao. Pero last week, may nag-add sa akin na isang taong hindi ko kilala. Meron kaming mga mutual friends. Ilang araw din siyang pending sa friend request list ko. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at inaccept ko siya. Tapos bigla siyang nag-pm sa akin at nagpasalamat sa pag-accept ko sa kanya.

Mr. Canada? Oo, yan ang bansag ko sa kanya. Obviously, tiga-Canada siya. Almost two years na raw silang nakitira dun. Ang kwento niya sa’kin nag-stop siya from schooling at meron siyang work for the mean time. Nakakatuwa siya. Kahit na sabihin natin na hindi pa rin talaga mawawala yung doubt kung binobola ka lang ba niya o talagang totoo yung mga pakikitungo niya sa’yo, nandun pa rin yung pakiramdam na kahit papaano may nakakausap akong ibang tao maliban sa mga usual na nakakausap ko lagi. Ilang araw pa lang kaming magka-usap sa chat, pero ang dami na naming napag-usapan. Kahit walang kwentang bagay napag-uusapan namin. Kaso ang pangit lang eh yung hindi nagkakatagpo yung oras namin. Kapag gising ako, patulog na siya. Kapag patulog na ako saka naman siya gising. Nakakaloko lang. Pero at least nakakapag-usap pa rin kami.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ‘to. Pero ang mahalaga naman eh may bago akong kaibigan. Mababaw lang akong tao. Kahit hindi kita nakikita, basta consistent ang communication nating dalawa, ayos na sa akin. Saka ano pa bang bago? Sanay naman ako na malalayo sa akin yung mga kaibigan ko. Parang wala na ring pinagkaiba yun.

Kasi alam niyo, mas gugustuhin ko na lang makipag-usap sa taong hindi ko nakikita kesa sa ma taong nasa tabi mo nga, hindi naman makaya na maging sincere at concern sa’yo.


ABOUT